“Are we almost there?”
Minsan iniisip ko kung bakit excited makarating ang mga tao sa pupuntahan nila tapos atat namang umuwi kapag nakarating na sa lugar na yun.
Wala lang
Naisip ko, usually ang tao laging gusto fast- forwarded ang buhay nila.
Yung mga bata nagfi-feeling dalaga. Tapos kapag matanda na, nagfi- feeling bata naman.
Yung mga elementary, gusto na magcollege. Pag nasa college na, gustong bumalik sa elementary
Kapag may pasok, gustong magbakasyon. Kapag bakasyon na, gusto na ulit may pasok.
Yung mga nasa college, gusto nang magtrabaho. Minsan, yung iba, kapag nasa trabaho na, gustong bumalik na lang sa pag- aaral.
Kapag nalulungkot, gustong sumaya. Kapag naman masaya na, humahanap ng gulo para maging malungkot ulit.
Ewan ko. Siguro mahirap lang talaga intindihin.
Kaso minsan din nakakapraning. Pag nakikita mo silang gustong lagpasan yung isang panahon na wala pa nga silang nagagawa.
Ewan ko. Siguro mahirap lang talaga intindihin.
Tulad ng kapag nasa klase ka, gusto mo nang umuwi. Pero kapag uwian na, gusto mo pang tumambay.
Tulad ng nagki- crave ka sa isang pagkain. Kapag nandiyan na, ayaw mo nang kainin.
Tulad ng kapag may boypren ka, lagi mong inaaway. Kapag nawala naman, hinahanap mo.
Tulad ng pagbili mo ng mga bagong school supplies bago magpasukan. Tapos iiwan mo lang sa bahay, at manghihingi ka sa kaklase mo.
Ewan ko. Siguro mahirap lang talaga intindihin.
Bakit kaya? Ewan ko din kung may sense ba yung sinasabi ko. Naalala ko lang kasi yung mga panahon na, naging guilty ako sa mga iyan.
I lost that person ng ganun- ganun na lang. parang wala lang. amp.
Siguro kung may mas masakit sa regret, ito yung pagiging tanga.
Sabi nga ni bob ong, matalino naman ako pero mas pinili kong maging bobo
At ngayon, pinaparusahan na ako ng sansinukuban dahil hindi ko siya makalimutan.
Ang daming WHAT Ifs
Ang daming SHOULD HAVEs
May nagawa
sana
ako
I wouldn’t deny. Minsan ganyan din ako. Pero thankful ako at nakakabalik pa naman ako sa wisyo. Mahirap kung sinisentro mo na yung buhay mo sa isang bukas na wala namang ngayon.
Walang masamang mangarap. Pero wag mo ring ubusin ang oras mo kakagawa ng
plano
, balak, wishes, dreams, goals, targets, at yung iba pang madalas nating ilagay sa slumbook. lalo na kung yung daan mo papunta sa mga yun eh hindi naman malinaw.
Naiinis ako sa magulang na nagpaplano para sa mga anak. Well I was one of those.
Sila pumili ng school ko noong elementary, ayos lang. Bata pa ako e.
Sila pumili ng school ko nung high school. Not my kind of school pero pumasok pa rin ako sa isang science high school. Pero ok lang. natuto akong mabuti sa iskwelahang iyon.
Sila pumili ng course ko sa college. Gusto kong maging sundalo o kaya air force pilot pero kumuha ako ng entrance exam sa university at naging behavioral science major. Ok lang. dahil na-burn out ako sa high school kakaaral, naging sakitin ako. Kung nagtuloy ako sa PMA, masisipa din ako dahil sa kalampahan ko. At nakakilala ako ng mga totoong kaibigan sa UST.
Kahit 70% ng mga desisyon hindi galing sa akin, masaya pa rin ako na nagustuhan ko yung gusto nila para sa akin.
At sabi nga nila, you’ll know til when you become a parent. Siguro nga. Pero kahit naman ganoon, kahit papaano, binigyan nila ako ng pagkakataon na gustuhin ang gusto ko. Kahit minsan, tinanong naman nila ako kung anong gusto ko.
Bakit kailangang ipilit na maging doctor ang isang batang simple lang naman ang gusto?
At bakit kailangang balakin na dito siya mag- aaral at doon siya magtatrabaho?
Hindi ba pwedeng hintayin muna nating umalis ang sasakyan, at magdesisyon tayo kapag naroon na tayo sa paroroonan?
Masakit kapag yung resulta eh hindi sumang- ayon sa
plano
mo.
Pero mas masakit kung ibinuhos mo ang buong buhay mo sa pagpaplano at medyo nakalimutan mong isipin na kailangan mong kumilos para magkatotoo ang mga gusto mo.
Wala naman sigurong aayaw sa magandang buhay. Yun nga lang hindi lahat ng bagay kailangan mong idetalye. Hindi lahat ng bagay DAPAT mong makuha.
Yung nagtitinda ng buko na nanalo sa lotto ng mahigit sa P100M, wala naman diba sa
plano
niya na gigising siya isang araw na mas mayaman pa sa presidente ng pilipinas
Yung mga taong namatay sa Ultra Stampede, hindi naman nila inisip na y un na pala yung huling araw na mabubuhay sila diba? Dahil kung naging masyado silang critical, malamang, walang pupunta dahil maiisip nilang maraming tao.
Yung nagtopnotch sa law board exam, although siguro kumpiyansa siyang papasa, sino ba naman ang mag- aakalang isang taga
Cordilleras
ang makakatalo sa mga nangungunang universities dito sa maynila?
Hindi lahat pwede nating isulat sa organizer.
Hindi mo mai- schedule kung kelan ka babagsak sa exam
Hindi mo masasabi kung kelan ka magkakasakit
Hindi mo malalaman kung kelan kayo mag- aaway ng mga kaibigan mo
Hindi mo masusulat kung buhay ka pa ba bukas
Certified OC ako. Lahat gusto ko maayos. Hindi ako kumikilos ng wala sa pinag- usapan at pinagplanuhan.
Pero binibigyan ko ng space ang sarili ko na magkamali.
Natatandaan ko si Bes (Pia), after p.e. malungkot siya kasi hindi daw maganda ang performance niya. Sabi ko, kung sasama ang loob mo na nagkamali ka, para mo na rin inexclude ang sarili mo sa pagkakamali.
Para
mo na ring sinabi na hindi ka pwedeng makagawa ng hindi tama.
Proud na proud ako sa taong yun dahil halos nasa kanya na lahat. Matalino, magandang pamilya. Wala na siya halos problema and yet hindi siya mayabang. Hindi siya nagpi- freak out kapag may 1
mali
sa exam na kala mo end of the world na. hindi niya kinukumpara ang grades nya sa iba. Hindi siya GC (grade conscious). In short tao pa rin siya.
Minsan kasi yung iba, magkamali lng ng 1, iniiyakan na.
Sa tingin ko significant ang 1 point pero hindi siya life changing kung isang quiz lang ang pinag- uusapan. Kaya hindi dapat iniiyakan o ginagawang source ng pagkabadtrip.
11.30pm na
Ang haba na pala nitong natype ko.
Anyway salamat sa nagtiyagang magbasa
In short,
sana
bawat bagay na nasa atin (tao, bagay, hayop..kung anuman yan) itreasure natin. Mas ok kung umpisahan mo yung araw mo na magpasalamat ka muna na binuhay ka pa NIYA
J. Maging thankful na mainit dahil eventually magtatag- ulan na naman. hindi katulad sa ibang lugar na inuubos ang mga tao dahil sa el nino. Iappreciate mo bawat tao, bagay, at kung anu pa man na nangyari sayo – good or bad.
Lastly
…
…
…
…
…
…
…
…
…
…
…
Matuto kang mangarap, pero wag mong kalimutan na umpisahang tuparin yun NGAYON
Nakabalik ako sa lugar… Ngunit hindi ko na naibalik ang panahon…
- Bob Ong, AbNKKBSNPLKo?!