Buti Ka Pa Masaya…
Friday, December 28th, 2007She: *haaayyy*
Alter ego: O bat ka malungkot
She: Hindi naman ako malungkot eh
Alter ego: Cge iibahin ko na lang yung tanong, bakit ka naiiyak?
She: hindi nga
Alter ego: ayan kaya oh… naiiyak ka na
She: ok lang ako
Alter ego: hindi kaya
She: hindi nga…
Alter ego: anong problema
She: “siya”
Alter ego: siya? Sino?
She: si ano… ahh basta… kilala mo na
Alter ego: ahhh si ano… hmmm o bakit? Anong problema? Hindi ka pinansin?
She: mas malala pa
Alter ego: ahhmm… pinansin ka nya
She: gulo mo naman eh! Wag na nga
Alter ego: may gusto na siyang iba noh
She: hindi ko alam
Alter ego: uuyyy…
She: ano?
Alter ego: itulog mo na lang yang selos mo
She: hindi ako nagseselos
Alter ego: talaga
She: oo
Alter ego: e bat naiiyak ka na dyan?
She: hindi nga
Alter ego: obvious naman eh…
She: pesteng buhay…
Alter ego: sabi na nga ba eh
She: ano na naman
Alter ego: nagseselos ka
She: hindi nga…
Alter ego: oo lang naman kailangan mong isagot eh
She: kahit oo pa sagot ko, nonsense rin
Alter ego: sino may sabi
She: ako
Alter ego: ikaw?! E tanga ka pala eh
She: yeah right
Alter ego: gusto mo pero parang ayaw mo rin… ano ba talaga
She: iwas gulo lang
Alter ego: sino ba magulo? Sila o ikaw
She: hindi ko alam
Alter ego: hindi mo naman sya mapipigilan magkagusto sa iba eh
She: alam ko
Alter ego: o eh bakit yun alam mo
She: ayoko nga kasi ng gulo
Alter ego: tanga ka tlga
She: eh sino ba ko sa kanya… wala…
Alter ego: sino may sabi
She: ako
Alter ego: ikaw na naman
She: )*&*(^&*%&^$%@#!!!! Pero nasasaktan ako
Alter ego: so anong balak mo
She: wala… ano bang gagawin ko
Alter ego: sympre wala ka NA NAMANG gagawin
She: hindi lang tlga ako selfish
Alter ego: the more you try to be nice… the more youre hurting yourself… yan ba hindi selfish?!
She: ayoko lang makasakit
Alter ego: ayaw mo lang makasakit pero ok lang sau masaktan… siraulo ka ba?
She: siguro
Alter ego: mahal mo ba?
She: hindi
Alter ego: hindi pala eh bat gumaganyan ka dyan
She: hindi ko alam
Alter ego: haaayyyy nako! Ano bang alam mo?! Lahat na lang hindi mo alam
She: wag mo na ko tanungin dahil kahit ako hindi ko alam
Alter ego: mahal mo nga
She: hindi nga
Alter ego: ako na sasagot ng matino para sayo… OO
She: hindi
Alter ego: kung hindi… eh bakit mo tinititigan yang screen
She: sympre nagtatype
Alter ego: tlga? Eh sya yan eh
She: naopen lang…
Alter ego: pati ba naman ako lolokohin mo pa
She: ayoko na…
Alter ego: so iyakan time na naman
She: baka…
Alter ego: tara iyak na tayo…
She: wag na… di bale na lang…
Alter ego: ano bang gagawin ko sayo… haaayy wag ka na lang umiyak ha…
She: alam ko
Alter ego: alam mo nga hindi mo naman ginagawa…. Hindi talaga nya malalamang mahal mo sya kung lahat na lang hindi mo alam….
She: hindi ko alam… bahala na…