Archive for July, 2008

5 Seconds at Bus

Sunday, July 20th, 2008

Friday night, I was on my way home

Well dahil medyo nagiging sossy na ang city of

Caloocan

, merong countdown timer sa pagtawid at pag-andar ng mga sasakyan (yung katulad sa roxas blvd..hehe proud na proud eh no)

At dahil may countdown, people are expected to wait when is the right time for them to pass. Isang pulutong kami sa sideway, parang sasabak sa gyera habang naghihintay makatawid.

To my dismay…

It was the remaning 5 seconds of the time when everyone got fed up and began crossing even without the signal yet.

Nalungkot lang ako.

5 seconds… ano ba naman yung maghintay ka diba?

Imbis na mahiya dahil nagmistula silang mga mangmang na di marunong tumingin sa mga numbers sa countdown, galit pa sila

5 seconds…. Hindi naman masamang maghintay diba?

Iilan lang kaming natira sa sideway hanggang sa umilaw ang countdown para makatawid na kami. Sa loob ng iilang segundo, ang pulutong ng mga taong nasa harapan ko ay nawala na na parang wala.

5 seconds… 5 seconds lang para mag-stay… hindi pa rin nagawa… wala pa ring gumawa.

Nung highschool (ata) ako – habang kasagsagan ng mga corny na jokes at mga forwarded na minsan eh nasesend ng mga tao pag gabi kahit “gud am” ang nakalagay (walang edit2 dati hehe) – may nagtext sa akin. Nasa gitna ako ng madamdaming pagsesenti sa buhay. Ewan ko ba bakit ko napagtripan na magtrip nung gabing iyon. Sabi nung text

“IKAW KASI… ANG HILIG MONG MAGHINTAY SA BUS NA HINDI MO NAMAN ALAM KUNG KELAN DARATING…”

Dahil lakas trip ako nun, sinagot ko yung nagtext sa akin:

“BALIW KA BA?! EH JIP LANG KAYA SINASAKYAN KO PAPASOK NG SKUL. BALIW!!!!”

Pero sa totoo lang mejo tinamaan ako dun

Bakit ka pa maghihintay…

Para sa bus na hindi mo naman alam kung kailan darating…???

Nung gabing nangyari ang tungkol sa countdown timer, naalala ko ang text na yan. habang naghuhuromentado ang mga litid ko sa leeg sa sobrang inis sa mga taong nagsitawid ng walang pang oras, naalala ko na minsan may nagsabing wala ring silbi ang paghihintay…

Nakakalito diba?

Maghihintay ka ba o hindi?

Aalis ka ba at maghahanap ng ibang bus o hihintayin mo na lang… baka sakaling dumaan?

Tatawid ka din ba tulad ng mga taong nag-alsa laban sa countdown timer o hihintayin mong matapos ang 5 segundo bago ibigay sa iyo ng panahon ang lahat ng pagkakataon?

Kahapon, sa isang simpleng tanong ni AJ, naiyak ako.

Simple lang

Nilapitan nya ako (sa kalagitnaan ng nagpaparty kong mga kaibigan sa classroom)

AJ: “Mama she, ok ka lang?”

Nagulat ako – hindi dahil sa bigla siyang lumapit…

Nagulat ako (at naiyak) dahil matagal na yatang walang nakapagtanong sa akin nun.

Lumapit si stella

Si mama joyce

Si ikong

Si dom

Si tine

Si ian

Si kuya july nakabonding ko ulit… after some time. At kahit puro songs, singers at tonsils ni regine velasquez ang pinag-usapan naming, natuwa ako… at super naging masaya ako kasi bibihira na ang chances na makasama ko sila…

Lalo akong naiyak. Kasi ang ingay- ingay sa klase pero natouch ako kasi pinapanood pala nila ako. Napapansin kahit anong ingay, anong gulo, anong saya sa paligid.

Pagkatapos nun naging sobra akong saya. Kasi naisip ko, lahat yata ng bagay, kailangan ko munang paghirapan bago ko makuha. Hindi basta- basta. Hindi kusa. Kailangan sa mahirap at nakakapagod na paraan.

Lahat ng bagay

Lahat- lahat

Pero hindi ang mga kaibigang tulad nila

Maraming salamat sa inyo… maraming salamat sa pakikinig at “pangangaral” (hindi uso payo sa mga kaibigan ko eh haha). Pati sa simpleng tanong na ok ka lang, maraming salamat. Kahapon, dun ko talaga naramdaman na maswerte pa din ako kahit anong mangyari.

SIRAAN NG BUHAY PART 1: (habang naghihintay kay emy)

She: Ansaya ko kasi (confidential information)

Tine (summary): masaya ka ba talaga sa ginagawa mo?

Ian (summary): alam mo hindi naman masamang maging selfish minsan… tao ka pa din

She: *natatawa* hala! Sinabi ko lang na masaya ako eh…

Tine (summary): isipin mo naman sarili mo. Isipin mo naman yung happiness mo

Ian (summary): hanapin mo kung paano ka sasaya…

She: yun na nga problema, hindi ko alam kung anong makakapagpasaya sa akin

SIRAAN NG BUHAY PART 2: (hindi pala papasok si emy kaya nasa platform kami)

She: sorry hindi ko nasabi agad na…. (confidential information)

Helena

(summary): nagulat ako

She (summary): ayoko kasing makasakit

Helena

(summary): paano mo natitiis na ganyan?

She (summary): hayaan mo na *smile*

Helena

(summary): kaya mo ba?

SIRAAN NG BUHAY PART 3: (Present si Mam Vida pero para pa rign walang klase)

AJ: Mama she, ok ka lang?

She: oo naman *naiiyak*

AJ: eh kasi parang this past few days malungkot ka

She: hindi ah! Kaya ko to.wala to. *tawa ng malakas*

Stella (from the back): she, tumingin ka nga dito

She (tumingin naman ang tanga): bakit *nakangiti pero naiiyak*

Stella (lumapit): anong problema

She: …. *di nakasagot, umiyak na lang*

Mama Joyce (summary): alam kong kaya mo pero dapat may pagsabihan ka din

She: *blockout… nakakaiyak…*

Dom: hoy (sabay palo) bakit? Anong problema?

Sabi ko,

sana

magkaroon ng isang way para malaman ko ang gagawin ko.

Sana

may paraan para sabihin sa akin ni Lord kung bakit (na naman) Nya ako ginaganito…

At in fairness sa “Kanya”… mabilis sumagot. One text away ata ang heaven. Malakas pa signal.

Nung umuwi si achie wee hours at night, may pinagyayabang sya sa aking libro na hindi ko pinansin. Tapos kaninang umaga (siguro dahil hindi ko pinansin), inulit na naman nya ang introduction niya tungkol sa bago nyang buk.

Brida. That was the title. Written by no less than Paulo Coelho.

Si achie bibong bibo sa pagbalot ng bago nyang buk. Nagsabi na ako sa kanya na hihiramin ko kapag nagkaoras ako dahil sa ngayon, lango pa ako sa droga ng buhay.

Tapos ewan ko ba

Bigla kong kinuha yung buk and I began browsing through its pages.

In one of the few pages, the teacher said (basahin nyo na lang para malaman nyo kung sino sya kasi hanggang page 10 pa lang ako nyahaha):

before our first lesson, I want to remind you of something. When you find your path, you must not be afraid. You need to have sufficient courage to make mistakes. Disappointment, defeat and despair are the tools God uses to show us the way…”

After reading that, I know I will be ok… maraming salamat sa mga kaibigan ko. At sa mga simpleng tanong na ginawa nyo. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. July 19.

At kung may 5 seconds pa…hindi muna ako tatawid. Hihintayin ko na lang ang time para sa akin.

Kapag umilaw na ang “GO” sa countdown timer.

Kapag pwede na akong lumakad….

Pero kung hindi tlaga darating… hahanap ako ng ibang bus

….

….

….

….

….

….

….

….

….

….

para masakyan…

PS: tine, helena, ian, jen, mama joyce, dhar, redge, ash, lei, stella, aj, kuya july, ikong, dom, meg… sa isang unexpected na panahon at situation, hindi ko makakalimutan na anjan kayo para sa akin…. At nagpapasalamat ako kasi nung oras na iyon, nandun kayo JJJ you made me feel well-loved…*BBBOOOOOO!!!!* I love you guys.

Moving

Sunday, July 13th, 2008

Last week I was feeling terribly sad..

But each day I am getting better now because of my friends *thanks bes2*

I am back to myself and ready to go

…except for one

To Someone I Know,

This came really unexpected – that even I, myself, can no longer explain. And for the past weeks, its been so hard for me. Simply because I cannot show you what I really want, what I really feel.

Dom never failed to tell me that I am such a loser because I always think of other. But when I think about myself I find my own asking, “whats the difference between saying and not saying what I feel? Hindi rin naman makakaapekto sayo…”

I am having a hard time. Dealing with you. With myself. With everything. I wish I can turn back the time… that day when I first saw you years ago. When I first notice how this nameless face seem to register in me. I am one heck of a dumb, yes, but I guess I was able to injure those years because I know I can never have you.

I cannot do anything for you except watch you from the distant

And see how you enjoy the company of others

Iiwasan kita hanggang sa mga susunod na panahon

Hanggat sa kaya ko

Hanggat hindi pa dumarating yung panahong huling beses na tayong magkikita

At siguro, iiwas ka na rin…

Hindi ko alam

Ayoko lang maging selfish… kasi may masasaktan….

At hindi rin naman ako tanga para maintindihan na wala rin namang patutunguhan ang lahat

Magiging masaya na lang ako para sayo

Pero

sana

kung iiwasan mo ako, yung wala nang balikan

Yung hindi mo na ipararamdam na nag-aalala ka pa

Kasi mas lalo akong naguguluhan

Mas lalo akong nasasaktan

Kasi alam kong maya- maya lang

Hindi na naman tayo mag-uusap

Hindi magpapansinan

Tutuloy lang ang buhay na parang wala lang…

…kasi wala naman talaga

Nalulungkot lang ako

Kasi mahalaga ka sa akin

At naiintindihan kong simula ngayon

Simula bukas…

Hindi na magiging ganun

Kasi alam kong lilipas din ang mga araw

Na balewala lang sayo ang lahat

Saya diba?

Matatapos tayo…tapos na.

Ganun lang.

Someday, “dating kakilala” na lang ang term natin sa isat isa

Siguro tama na

Kasi pag tumagal pa… bka di ko na mabawi lahat ng nawala….

Slamat sa lahat ha?

At mahal na mahal kita….

-she-

Kompyus

Monday, July 7th, 2008

It started in vain….

Probably it will end the same…

Someday I might regret that I chose to delve on this path

And now I am feeling unhappy that I become who I am

Minsan nakakalungkot… yun at yun din ang tingin sayo ng mga tao

When in fact you can be more than that

It saddens me that I m working hard for the person I am not

I am building a future for the dreams I never had

And I am becoming that girl… that person I never wanted to be

After almost 4 years of working hard in college… ay mali pa… after almost 8 years of freaking in school… trying hard to be good enough…. Trying hard to finish college…

Here I am

All confused on my last year

Just like a lost kid wondering how to find her way home

I have lost the drive to continue

Wish I could find my way back…